Intro (2x) (2x) Verse Iguhit mo ako ng isang magandang pook Ng simbahang nakatayo sa ibabaw ng bato At aking ipapakita ang kahoy na may pugad Sa duyan ng hangin, sa ibabaw ng ulap At sa paglubong ng araw, biyoletang hapon Sa kintab ng dahon, bituin sa itaas At sa iyong paligid, sa anino ng sigag Mga matang nagmamasid, hindi mo nakikita At sa iyong pagkukwento iyong isalaysay Ang nangyari sa bayan nang naiwan ni Rizal Ano ang habilin ng taong sugatan? Sa taong naligid ng kandila't bulaklak At aking ipapakita, isang taong gahaman Nabalot ng putik na nanggaling sa ulan Hanggang sa panaginip ay mabasa na rin Naiwan sa kanal, sa tubig ng bansalan "Saan naroroon ang fiesta?" ang tinanong Ng aking kababayan sa aming pagsalubong Ako ay pababa na sa pinanggalingan Ng nais mong marating Doon sa bayan, sa malayong silangan Kung saan naroroon, kung nasaan ka man Isang magandang pook, kung nasaan ka man Doon sa malayong silangan