Intro: - Gaano kadalas ang minsan ka lang mahagkan? Sindalas na rin ng dami ng bituin waring walang hanggan Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman Kahit sandali, halik mo'y dumampi minsan. Gaano kadalas ang makapiling kang minsan? Sa aki'y sindalas ng walang wakas saglit mang magpisan Dahil sa gano'ng paraan lang mag-iisa Kung magsanib ang dalawang dibdib, di ba? (Ngunit kung/Dahil ang) pag-ibig (Ay/Kung) hindi rin lang wagas Mabuti pa mabuti nga, Mabuti nang hanggang maaga'y magwakas Pagkukunwari itago man ay lalabas At minsan kang matuklasan Hapdi'y walang kasing-dalas. Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? Kahit minsan lang, sa aki'y para bang walang katapusan. (Repeat Chorus) (Repeat 3rd Stanza) Coda pause Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?