Sayo O Diyos, sa'Yong lahat ang pagsamba't luwalhati Maging ang pinakamainam kong awit ay ang awitin sa'Yo O Diyos, ang aking isipan ay pagharian Mo At sa aking puso ay hindi na maglaho Tanging pag-ibig Sa'Yo. Ano pa ba ang maihahandog ko liban sa buhay kong nanggaling Sa'Yo Kung anuman sa sandali nito'y tangan At mga bagay na tinuri kong yaman Ito'y hindi pa rin sapat sa alay na nararapat Sa'Yo