verse 1 Nakapuwesto sa paboritong lugar parang nakakuwadro sa bentanilya ng kumi sa inaaninaw ang di makilalang alas sais areglado nang umandar Hinaharap ang lahat na dapat magsipanik na ng bahay mga lasenggo’t sugarol, imbi’t tampalasan, mga tarantado silang wala nang inatupag kundi maglandian sa lansangan. Pati na yata ang araw na di pa kursunadang pagbigyan ang nagririnyegong karimlan Walang awat silang kinakatkatan ng gayung-kasi’y may pagkauliyanin na hindi na matandaan kung sinu-sino sila verse 2 Hindi na matandaan ang puno’t dulo ng paghihimagsik na parang atakeng nandiyan na lang tuwing alas sais Orasyon — biro namin — panatang walang hanggan nang di raw mapariwara ang kaluluwa ng lansangan Hinaharap ang lahat na dapat magsipanik na ng bahay mga lasenggo’t sugarol, imbi’t tampalasan, mga tarantado silang wala nang inatupag kundi maglandian sa lansangan. Pati na yata ang araw na di pa kursunadang pagbigyan ang nagririnyegong karimlan Walang awat silang kinakatkatan ng gayung-kasi’y may pagkauliyanin na hindi na matandaan kung sinu-sino sila