SA ‘YO LAMANG Intro: S – Ballad T- 75 Puso ko’y binihag mo Sa tamis ng pagsuyo Tanggapin yaring alay Ako’y iyo habang buhay Anhin pa ang kayamanan Luho at karangalan Kung ika’y mapasa’kin Lahat na nga ay kakamtin KORO: Sa ‘Yo lamang ang puso ko Sa’yo lamang ang buhay ko Kalinisan pagdaralita, pagtalima Aking sumpa (Sa ‘Yo Lamang Con’t) Tangan kong kalooban Sa iyo’y nilalaan Dahil utos ng pagsuyo Tumalima lamang sa iyo. (Koro)