Intro: Sariwa pa sa akin ang nakaraan Bata pa tayo nun at walang kamuwang muwang Magkalarong lagi at may tuksuhan ng musmos na isipan sa bahay-bahayan Laging bulong noon ng aking damdamin Ang nadama sa'yo na di pa pwedeng aminin Unti unti mong pag ganda'y nasaksihan Tinatanaw tanaw, iniingat ingatan Sayang naman Hindi mo pa ito alam Sayang naman Maghihintay na lang Sa bahay-bahayan puno ng kasiyahan Mga ngiti mong tila may kahulugan Sa mura mong edad ako'y may kasalanan Sa lihim kong di dapat pa sa kabataan At dumating na nga ang tamang panahon Binata na ako at Dalaga ka na ngayon At dumating din ang kinatatakutan Hindi ako pagkat iba pala ang iyong nagustuhan Sayang naman Itong inaasam asam Sayang naman Bat nagkaganyan Interlude: Sayang naman Itong inaasam asam Sayang naman Bat nagkaganyan Sariwa pa sa akin ang nakaraan Kaya dama ko pa ang sakit na naranasan Hindi biro ang ganitong kapalaran Na kay tagal tagal ko nang pinanghihinayangan Sayang naman Itong inaasam asam Sayang naman Bat nagkaganyan Sayang naman At di na pwedeng balikan Sayang naman Itong Bahay bahayan