verse 1 Nang bugawin ng musmos Ang paruparong itim, Sa bulaklak, ang hamog Ay luhang nasalamin. Bagamat ang talulot Ay kakulay ng apoy, Walang pasong bubuyog Ang labas-masok doon verse 2 Nang magsunong ang apoy Ang punong kabalyero. Ibon na ring sumilong Ang sugatang diwa ko Bagamat ang talulot Ay kakulay ng apoy, Walang pasong bubuyog Ang labas-masok doon