verse 1 Sa pagkakaluhod, ang iyong bangketa Ay nanakluhod sa iyong eskolta Kayrikit ng ilaw Sa iyong libinga Ng mga bulaklak na nangakatawa Habang nilalagas ng hayok na pita verse 2 Ang nagmamadaling sala mong maharot Ay dumadapurak sa banal na loob Sa iyong simbahan Buwitreng naglisaw Ang abalang nasang kahit nakaluhod Ay nangagpipiging sa bangkay ng diyos Nag-aanyaya kang bagong paraiso May ngiting salubong sa singki at dayo Kung mayakap ka na Saka mapupuna Na ang kariktan mong akala’y kung sino May ikinukubling maruming estero verse 3 Ang nagmamadaling sala mong maharot Ay dumadapurak sa banal na loob Sa iyong simbahan Buwitreng naglisaw Ang abalang nasang kahit nakaluhod Ay nangagpipiging sa bangkay ng diyos Nag-aanyaya kang bagong paraiso May ngiting salubong sa singki at dayo Kung mayakap ka na Saka mapupuna Na ang kariktan mong akala’y kung sino May ikinukubling maruming estero Nag-aanyaya kang bagong paraiso May ngiting salubong sa singki at dayo Kung mayakap ka na Saka mapupuna Na ang kariktan mong akala’y kung sino May ikinukubling maruming estero