Intro: Nilagang kape, tuyo at sinangag Dilis na binusa at pritong tinapa Sawsawang suka, bawang at paminta Ganyan ang almusal na nakakagana Nilagang itlog, kamatis na may asin Ganyan ang laging kombinasyon sa pagkain Isda man o karne, sadyang mahal ngayon Kaya't ulam namin, inihaw na talong Chorus Dahil ako ay lumaki sa pagka - ing ganyan Kahit anong ihain ng mahal kong nanay Hindi ko na kailangan pa mag tinidor at kutsara Ang magkamay ay mas mainam pa Sardinas na maanghang, inutang lang sa tindahan Manipis na pandesal sa kape'y isinasawsaw Presyo ng bilihin, hindi na makaya Kaya't nagtitiyaga sa tuyo at tinapa (Repeat Chorus) Kaya nga ngayon, panaho'y nagbago Pagkain ng almusal, di na yata uso Merong nagtitipid, gumagawa ng paraan Ang almusal at tanghalian, pinagsasabay na lang (Repeat Chorus except last word) - ... pa Kung ang ulam tuyo at tinapa Kung ang ulam tuyo at tinapa

Watch the song video
Top songs from Banyuhay