Tumitigil ang pag-ikot ng aking munting mundo kapag nakikita ang iyong ngiting kasing liwanag ng araw-araw ninanais marinig ang tawang siyang tumunaw sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas. Ngunit kahit magkaharap. Dito ay bumabagyo. Ngunit diyan, umaambon lamang. Ako’y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik. Ngunit nalulunod pa rin. At nangangarap na maanggihan man lang ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap. Paano ba patitilain ang bagyo, kung ang gusto mo lang ay ambon? Paano na ito? ‘Di mapaliwanag ang galak na aking nadadarama. Kapag abot-kamay na ang bahagharing inaasam. Ngunit kahit magkaharap. Dito ay bumabagyo. Ngunit diyan, umaambon lamang. Ako’y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik. Ngunit nalulunod pa rin. At nangangarap na maanggihan man lang ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap. Paano ba patitilain ang bagyo, kung ang gusto mo lang ay ambon? Paano na ito? Paano ba patitigilin ang pagbuhos ng bagyo? Paano ba patitigilin ang pagkahulog ko sa’yo?