Upuan Florante Intro: Nakaupo ako lumalamon sila Masasaya itong aking mga kaibigan Abot kamay nila ang bunga ng puno Dahil balikat ko ay ginawang tuntungan Habang namimitas lalong natatakam Sila ay para bang wala ng kabusugan Kahit alam nilang mayroong mga langgam At ang aking paa ang siyang inuupakan Nais ko nang magpahinga Marami na kong nagawa at natulungan Ako'y labis na nag aalala Baka ang puno ay tuluyan nang maubusan ng bunga Interlude: Nakaupo ako nagbabantay sila Ang mga aso ko'y laging maaasahan Hindi ko lang alam ang binabantayan Ito bang puno o itong aking upuan Itali ko kaya sa bahay ng langgam Maglilingkod ba o maghahari harian Masasagot lamang ang malaking tanong Kapag ako ay nawala na nang lubusan Nais ko nang magpahinga Marami na kong nagawa at natulungan Ako'y labis na nag aalala Baka itong mga aso ay maulol at magwala Interlude: Nakaupo ako naiinggit sila Silang nais na pumalit sa aking upuan Ayokong tumayo sa upuang ito Kahit ito'y sinusurot at inaanay Ang upuang ito ay para sa bantay Ng punong ang ibinubunga'y kayamanan Nangangamba ako kung uupo sila Baka ang puno ay lalong mapabayaan Nais ko nang magpahinga Marami na kong nagawa at natulungan Ako'y labis na nag aalala (Coda) Marami ang magtutulakan makuha lang ang aking upuan Coda: hold