Intro: Sino bang tutulong sa 'yo Kundi ang katulad Ko Kaibigan mo Ako verse 1 Sa Akin mo sabihin ang problema mo At magtiwala kang 'di ka mabibigo Kasama mo Ako sa hirap at ginhawa At may karamay ka sa 'yong pagdurusa. verse 2 Kapag nasaktan ka ay huwag kang susuko Kahit may takot ka ay huwag kang magtago Di ka nag-iisa, kasama mo Ako Tawagin mo lamang, di ka mabibigo Kaibigan Kita, kaibigan tuwina Sino bang tutulong sa 'yo Kundi ang katulad Ko Kaibigan mo Ako verse 3 Ngayong nalaman mo na may kasama ka Hinding-hindi kailan pa man mag-iisa Kasama mo Ako sa hirap at ginhawa At may karamay ka sa 'yong pagdurusa (Repeat Chorus)