Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan (Interlude) Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman Sinasambit ng baliw awit na walang laman Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal May isang hindi baliw, iba ang awit na alam Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman Chorus Sinong dakila, sino ang tunay na baliw Sinong mapalad, sinong tumatawag ng habag Yaon bang isinilang na ang pag iisip di lubos O husto ang isip ngunit sa pag ibig ay kapos Ang kanyang tanging suot ay sira sirang damit Na nakikiramay sa isip niyang punit punit May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal O husto ang isip Kaya't sino, sino, sino, sino nga Sino nga ba, sino, sino ba Sino nga ba ang tunay na baliw

Watch the song video
Top songs from Mon Del Rosario