Intro: Ako'y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Tumatawid ako sa tamang tawiran Sumasakay ako sa tamang sakayan Pumipila at di nakikipag-unahan At di ako pasiga-siga sa lansangan Nagbababa ako sa tamang babaan Hindi nakahambalang na parang walang pakialam Pinagbibigyan ko'ng mga tumatawid sa kalsada Humihinto ako pag ang ilaw ay pula (Chorus) Hindi ako nangongotong o nagbibigay ng lagay Tiket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay Ako'y nakatayo doon mismo sa kanto At di nagtatago sa ilalaim ng puno Hindi ako nagkakalat ng basura sa lansangan Hindi bumubuga ng usok ang aking sasakyan Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Inaalagaan ko an gating kapaligiran (Chorus) Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang Kaya't pag-aaral ay aking pinagbubutihan Hindi ako gumagamit ng bawal na gamot O kaya'y tumatambay at sa eskwela'y di pumapasok (same chords) Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan Di ko ibinebenta an gating kinabukasan Ang boto ko'y aking pinahahalagahan (Chorus 1 step higher) Ako'y isang tapat at totoong lingkod ng bayan Pabor o lagay ay di ko pinapayagan Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino Mga karapatan nila'y kinikilalako Iginagalang ko ang aking kapwatao Ipinaglalaban ko dangal ng bayan ko (Chorus) Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino...