Intro verse 1 Ang lahat-lahat iniaalay ko sa Iyo Pagkat Ika’y narito sa puso ko Di na maglalaho pag-ibig sa Iyo ang buhay ko’y Inilalaan sa Iyong buong-buo verse 2 Dito sa buhay ko Ikaw ang S’yang nagbibigay-lakas S’yang sandalan ko sa sandaling nalulumbay Dati mang liko Iyong inakay sa katotohanan Iyong nilimot mga pagkukulang ko Refrain 1 Pupurihin ka Ngalan Mo’y sinasamba Magpapasalamat sa ‘Yo tuwina Sa ‘Yo lamang nasumpungan Kapahingahan kong ganap Pamatok Mo na kay gaan Aking pasan sa tuwina Ang pananampalataya ko sa ‘Yo Ama Ay sa aral Mong nagsisilbing liwanag verse 3 Sa Iglesia Mo’y hindi na ako wawalay pa Ang dalangin ko’y samahan Mo sana Ang pangarap ko’y kamtin ang buhay na walang hanggan Hirap at lungkot di na daranasin pa Refrain 2 Pupurihin ka Ngalan Mo’y sinasamba Magpapasalamat sa ‘Yo tuwina Sa ‘Yo lamang nasumpungan Kapahingahan kong ganap Pamatok Mo na kay gaan Aking pasan sa tuwina Ang pananampalataya ko sa ‘Yo Ama Ay sa aral Mong nagsisilbing liwanag Sa ‘Yo lamang nasumpungan Kapahingahan kong ganap Pamatok Mo na kay gaan Aking pasan sa tuwina Ang pananampalataya ko sa ‘Yo Ama Ay sa aral Mong nagsisilbing liwanag Ay sa aral Mong nagsisilbing liwanag