Intro verse 1 Sana'y wala ng wakas
 Kung pag-ibig ay wagas
 Paglalambing sa'yong piling
 Ay ligaya kong walang kahambing 

 Climb 1 Kung di malimot ng tadhana
 Bigyang-tuldok ang ating ligaya
 Walang hanggan ay hahamakin
 Pagka't walang katapusan kitang iibigin

 Kahit na ilang tinik ay kaya tapakan
 Kung yan ang paraan upang landas mo'y masundan
 Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
 Hindi kita maaaring iwanan
 Kahit ilang awit ay aking aawitin
 Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
 Kahit ilang dagat ang dapat tawirin
 Higit pa riyan ang aking gagawin 

 Verse 2 Sana'y wala ng wakas
 Kapag hapdi ay lumipas
 Ang mahalaga ngayon ay pag-asa
 Dala ng pag-ibig saksi buong daigdig 

 Climb 2 Kung di malimot ng tadhana
 Bigyang-tuldok ang ating ligaya
 Walang hanggan ay hahamakin
 Pagka't walang katapusan kitang iibigin

 Kahit na ilang tinik ay kaya tapakan
 Kung yan ang paraan upang landas mo'y masundan
 Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
 Hindi kita maaaring iwanan
 Kahit ilang awit ay aking aawitin
 Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
 Kahit ilang dagat ang dapat tawirin
 Higit pa riyan ang aking gagawin 

 Di lamang pag-ibig ko
 Di lamang ang buhay ko'y ibibigay
 Sa ngalan ng pag-ibig mo
 Higit pa riyan aking mahal ang alay ko Outro